17 patay sa banggaan ng tren sa Bangladesh

By Chona Yu October 24, 2023 - 08:24 AM

(Reuters)

 

Patay ang 17 katao habang sugatan ang iba pa matapos magbanggaan ang dalawang tren sa Bhairab, Bangladesh.

Ayon sa ulat, posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil nagpapatuloy pa ang rescue operations.

Agad namang isinugod sa ospital ang mga sugatan para malapatan ng lunas.

Nabatid na binangga sa likod ng freight train ang isang passenger train.

Sa inisyal na ulat, nasira ang signal ng freight train dahilan para mangyari ang aksidente.

 

 

TAGS: banggaan, Bangladesh, casualty, news, Radyo Inquirer, Train, banggaan, Bangladesh, casualty, news, Radyo Inquirer, Train

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.