Isang serious escalation sa ilegal na aksyon ng China ang banggaan ng Chinese at Filipino vessels sa Ayungin Shoal noong Linggo.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na hayagang pagbalewala sa convention of international law ang ginawa ng China.
Nangyari ang banggaan ng dalawang barko habang iniiskortan ng dalawang barko ng Philippine Coast Guard ang mga barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre.
Sabi ni Teodoro, nangyari ang insidente sa loob ng 200-mile ng exclusive economic zone ng Pilipinas kung saan wala ng hurisdiksyon ang China.
Ipinatawag na rin ng Department of Foreign Affairs si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
READ NEXT
Battle for Power: Romualdez, GMA and the “House” Tug-of-War—SHARP EDGES by JAKE J. MADERAZO
MOST READ
LATEST STORIES