12 Pinoy, stranded sa aiport sa Izmir, Turkey, matapos ma-divert ang flight dahil sa Istanbul bombing

Photo from Amy Perez' IG Account
Photo from Amy Perez’ IG Account

Nasa labing dalawang pinoy ang stranded sa Izmir Adnan Menderes Airport sa Turkey matapos ma-divert doon ang kanilang flight dahil sa pagpapabasog na naganap Miyerkules ng madaling araw sa Istanbul airport.

Kabilang sa sakay ng Turkish Airlines flight 1860 ang TV Host at radio anchor na si Amy Perez at mister niyang si Carlo Castillo.

Kwento ni Perez sa kaniyang Instagram post, ang nasabing flight galing sa Madrid ay na-divert sa Izmir Airport dahil sa Istanbul bombing.

Batay sa detalye ng flight mula sa Turkish Airlines, umalis ng Madrid ang TK 1860 alas 6:05 ng gabi doon, alas 12:06 ng madaling araw naman oras sa Pilipinas at nakatakdang dumating sana sa Istanbul Airport alas 4:15 ng madaling araw oras sa Pilipinas.

Pero dahil sa insidente ng pambobomba ay sa Izmir Airport lumapag ang nasabing eroplano.

Dagdag pa ni Perez sa kaniyang post, inabot sila ng nasa dalawang oras sa loob ng eroplano at hindi agad sila pinababa sa airport dahil mas ligtas umanong manatili sila doon.

May nagdeliber na rin aniya ng supplies sa loob ng eroplano para sa mga pasahero.

Pero makalipas ang ilang oras, pinayagan na din silang bumaba sa eroplano, pero pinayuhan silang manatili lang muna sa loob ng airport.

Ayon kay Perez, umaasa silang agad na makakuha ng flight pauwi ng Pilipinas.

Para maipalaam naman sa embahada ng Pilipinas kung sino-sino ang mga Pinoy na nasa loob ng eroplano, kinuha ni Perez ang kanilang mga pangalan.

Maliban kay Perez at kaniyang asawa, ang iba pang Pinoy na stranded sa Izmir Airport ay ang mga sumusunod:

Arlene Meyer
Jonalyn Viray
Rio Aldene Frani
Jessie Rey Alquitran
Edwin Flores
Armil Jay Cacayurin
Querubin Red Jr.
Antonio Zafra
Henry Yamongan
May Pioquinto

Ang pagsabog sa Istanbul Airport ay naganap pasa ala una ng madaling araw kanina.

 

 

 

Read more...