Sen. Bong Revilla: Hindi tayo titiklop sa pambu-bully ng China sa WPS

By Jan Escosio October 23, 2023 - 07:38 PM

Patuloy na maninindigan ang Pilipinas sa pag-protekta sa ating mga karapatan at teritoryo.

Ito ang pagtitiyak ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., matapos ang pagbangga na sa Philippine resupply vessel ng Chinese Coast Guard sa Wesr Philippine Sea (WPS) kahapon.

“Dapat malaman ng lahat na kahit ipagpatuloy pa at gaano pa tindihan ang pambu-bully hindi tayo matitinag,” diin ni Revilla.

Aniya lubhang nakakabahala na ang mga panggigipit ng China sa mga Filipino sa malinaw na sakop pa ng teritoryo ng Pilipinas.

“Those who resort to might usually aren’t in the right,” sabi pa ng senador/

Magugunita na si Revilla ang unang naghain ng panukala para sa Philippine Maritime Zone Act ngayon 19th Congress.

Layon ng panukala na malinawan pa ang “maritime zones” na nasa hurisdiksyon ng Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa ng pagdinig ang bagong buong Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones, na pinamumunuan ni Sen. Francis Tolentino, ukol sa  naturang panukala ni Revilla.

TAGS: Philippine Maritime Zones Act, Revilla, Senate, WPS, Philippine Maritime Zones Act, Revilla, Senate, WPS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.