Dating LTFRB official kumambiyo sa alegasyon ng korapsyon, umamin walang ebidensiya

By Jan Escosio October 23, 2023 - 03:10 PM

Matapos isapubliko ang alegasyon ng korapsyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), inamin ni dating executive assistant Jefferson Tumbado na wala siyang ebidensiya para patunayan ang mga naunang pagbubunyag.

Ginawa ni Tumbado ang pag-amin sa pagdinig na ipinatawag sa Kamara base sa kanyang mga naging pagbubunyag.

Nagresulta pa ang mga pahayag ni Tumbado sa suspensyon ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III.

Nagsilbing resource person sa pagdinig ng House Committee on Transportation si Tumbado gayundin si Guadiz.

Nang aminin ni Tumbado na opinyon niya lamang na may korapsyon sa LTFRB at wala siyang ebidensiya, napagsabihan na siya ni Parañaque City 2nd District Rep. Gus Tambunting.

“Magbibigay kayo ng opinyon niyo na walang pruweba? Sinayang ninyo ang mga oras ng kongresista. Pumasok kami dito kahit na break namin at ngayon sasabihin niyo, opinyon niyo lang?” ang may pagka-inis na sinabi ni Tambunting.

Idinagdag pa ni Tumbado na ang kanyang alegasyon ay base sa mga nakarating sa kanyang reklamo ng transport operators.

 

TAGS: corruption, House, ltfrb, corruption, House, ltfrb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.