Balik dagdag-presyo sa gasolina, kerosene at krudo

By Jan Escosio October 23, 2023 - 02:39 PM

Nag-anunsiyo na ang mga kompaniya ng langis ng pagtataas ng presyo ng kanilang mga produktong-petrolyo simula bukas, Oktubre 24.

Magmamahal ng P1.30 ang presyo ng kada litro ng diesel o krudo, samantalang P1.25 naman sa kerosene at P0.95 sa kada litro ng gasolina,

Sinabi ni Department of Energy Oil Industry Management Bureau Director 3 Rodela Romero na ang paggalaw sa presyo ay maaring dahil sa kabawasan sa naka-imbak na langis ng US dahil sa tumataas na pangangailangan.

Bukod dito ang panawagan ng Iran sa mga miyembro ng Organization of Islamic Cooperation (OIC) na magpatupad ng oil embargo sa Israel.

Noong nakaraang linggo, bumaba pa ng P0.95 ang halaga ng kada litro ng diesel at kerosene, samantalang tumaas ng P0.55 naman ang gasolina.

 

 

 

TAGS: diesel, gasoline, kerosene, oil price hike, diesel, gasoline, kerosene, oil price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.