Nanawagan na si Pope Francis para sa pagtatapos ng digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Kasabay nito ang kanyang apila na payagan na ang pagsasagawa ng humanitarian mission sa Gaza Strip.
“War is always a defeat, it is a destruction of human fraternity. Brothers, stop! Stop!” ani Pope Francis sa pangunguna niya ng pagdadasal ng Angelus sa St. Peter’s Square sa Vatican City.
Dadag pa niya: “I renew my call for spaces to be opened, for humanitarian aid to continue to arrive and for hostages to be freed.”
Nakapasok na ang UN relief trucks sa Gaza Strip ngunit hindi sapat ang mga dalang tulong dahil sa higit 2.4 milyong katao ang apektado at nangangailangan ng tulong.
Pinutol na ng Israel ang suplay ng pagkain, tubig at kuryente sa Gaza Strip.
Magugunita na Oktubre 7 nang lusubin ang militanteng Hamas group ang Gaza Strip na nagresulta sa pagkasawi ng 1,400 katao.
Sa pagganti naman ng Israel, higit 4,300 ang nasawi at karamihan naman ay mga sibilyan.