US sinabing paglabag sa maritime law ang pagbangga ng China sa Ph vessels

By Jan Escosio October 23, 2023 - 12:02 PM

Idiniin ng gobyerno ng US ang China sa panibagong insidente sa West Philippine Sea (WPS) kahapon.

Sa inilabas na pahayag ng US State Department ngayon araw, kinampihan ng US ang Pilipinas.

“The United States stands with our Philippine allies in the face of the People’s Republic of China (PRC) Coast Guard and maritime militia’s dangerous and unlawful actions obstructing an October 22 Philippine resupply mission to Second Thomas [Ayungin] Shoal in the South China Sea,” ang pahayag ng US State Department.

Iginiit din na nilabag ng China ang pandaigdigang batas sa paglalagay dahil sa pagharang sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas kaugnay sa “freedom of navigation.”

Nalagay din sa panganib ang buhay ng mga tripulanteng Filipino dahil sa naging aksyon ng China.

Naninindigan naman ang China na ang mga nagawa nilang aksyon ay bunga nang pagpasok ng mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa kanilang teritoryo.

Nangyari ang insidente sa panibagong resupply mission sa BRP Sierra Madre.

TAGS: China, US, US Department of State, WPS, China, US, US Department of State, WPS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.