OFW deployment ban sa Kuwait babawiin na sabi ni Pangulong Marcos Jr.

PCO PHOTO

Inanunsiyo ni Pangulong Marcos Jr., na babawiin na ang umiiral na deployment ban ng mga manggagawang Filipino sa Kuwait.

Kasunod ito nang pag-uusap nila ni Kuwaiti Crown Prince Sheikh Mishal Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah sa ginanap na Association of Southeast Asian Nations-Gulf Cooperation Council (ASEAN-GCC) Summit sa Riyadh, Saudi Arabia.

Sa pag-uusap ng dalawang lider napagkasunduan nila na ipagpapatuloy ang mga pag-uusap ukol sa labor issues sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Magugunita na sinuspindi ang pagpunta sa Kuwait ng mga manggagawang Filipino noong Pebrero kasunod nang brutal na pagpatay kay Filipina domestic household service worker Jullebee Ranara.

Nasentensiyahan na ng Kuwaiti court ang anak ng mga amo ni Ranara bagamat pinuna ang magaan na parusa ikinatuwiran naman na menor-de-edad ang kumitil sa buhay ng OFW.

Bilang ganti, binawi ng gobyerno ng Kuwait ang entry visa ng mga Filipino sa kanilang bansa.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., nagpahayag ng kanyang labis na kalungkutan ang Kuwaiti leader sa pangyayari.

Read more...