Kuwait Crown Prince, nag-sorry kay Pangulong Marcos

By Chona Yu October 21, 2023 - 05:20 PM

 

Humingi ng paumanhin si Kuwait Crown Prince Sheikh Mishal Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay dahil sa hindi naging maayos ang pagtrato ng mga Kuwaiti employer sa mga overseas Filipino workers.

Ayon kay Pangulong Marcos, personal na ipinaabot sa kanya ng crown prince ang pagkadismaya nang magkaroon sila ng pag-uusap sa sidelines ng unang Asean-Gulf Cooperation Council Summit sa Riyadh, Saudi Arabia kahapon.

Sa panayam ng Philippine media kay Pangulong Marcos, sinabi nito na nangako ang Crown Prince na aayusin ang kasunduan ng dalawang bansa.

Sinabi aniya ng Crown Prince na hindi na kailangan na mag-sorry ng Pilipinas nang magpatupad ito ng ban sa pagpapadala ng mga OFW.

Sabi pa ng Crown Prince, mahal ng Kuwait ang Pilipinas.

 

 

TAGS: Crown Prince, Ferdinand Marcos Jr., kuwait, news, ofw, Radyo Inquirer, saudi arabia, Crown Prince, Ferdinand Marcos Jr., kuwait, news, ofw, Radyo Inquirer, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.