Sweldo ng 10,000 OFW na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia, pinoproseso na

By Chona Yu October 21, 2023 - 04:50 PM
Tuloy ang pagbabayad ng Saudi Arabia sa sweldo ng 10,000 overseas Filipino workers na nawalan ng ttabaho. Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., pinoproseso na ngayon ang pagababayad sa unpaid salaries ng mga OFW. “But in concept, in principle, itutuloy talaga nila ‘yung pagbayad doon sa insurance claims ng mga nagtatrabaho sa mga negosyo na nalugi noong nagsara noong Covid. So, that will continue to go. Matatapos natin ‘yan,”  pahayag ni Pangulong Marcos. Taong 2015 nang magkaroon ng krisis sa ekonomiya ang Saudi Arabia kung saan maraming kimpanga ang magsara. Nagtuloy tuloy pa ito hanggang sa tumama ang pandemya sa COVID-19. Sabi ni Pangulong Marcos, ang mga detalye na lamang ang ponag-uusapan ng Pilipinas at Saudi Arabia. Nalinis na rin aniya ang listahah ng mga claimant. Hindi naman matukoy ni Pangulong Marcos kung kailan eksaktong petsa mababayaran ang mga OFW dahil nakapadende pa ito sa internal process ng Saudi Arabia.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, saudi arabia, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.