Tambak na problema at papuri, natamo ni Ka Rex sa ikatlong araw ng kampanya

Ikatlong   araw pa lamang ng isinasagawang house to house campaign ng Team Tao ang Una na pinangungunahan ng batikang broadcaster na si Ka Rex Cayanong, samut saring problema na ng mga taga Barangay San Isidro ang isinasalubong sa Kanila. Katulad sa Sitio Tanglaw, ilan sa problemang  idinaing kay Ka Rex ay ang isyu ng peace and order at kapabayaan ng mga namumuno.. Ayon Kay Tatay Edward, mistula silang napabayaan ng kanilang mga Barangay officials dahil sa kawalan ng pagkalinga katulad na lamang noong panahon ng pandemya, ni hindi nila naranasan na makatikim ng ayuda. Wala din umanong malinaw na programa ang Barangay lalo na sa mga Kabataan, senior Citizen at mga bata, kung meron man, para lamang sa mga kaalyado. Sa Lower San Isidro naman, Ilan sa idinaing Kay Ka Rex  ay ang problema sa peace and order o  mataas ang kriminalidad,  walang CCTV, walang Brgy Patrol at wala ring sityo Tanod na dapat sanay magpapanatili ng kaayusan sa lugar. Lantaran din umano ang bentahan ng iligal na droga, wala programa sa mga kabataan at lagi na ay takot ang nadarama, kahit pa ang magreklamo o magsumbong ay hindi nila magawa sa takot na sila ang mapagbalingan ng mga namumuno sa Barangay at kanilang mga alyado. Subalit hindi lamang problema ang ipinarating kay Ka Rex ng mga residente na kanilang napuntahan, manapay marami rin ang nagpahayag ng papuri sa kanyang ginagawang pagtulong sa Kabarangay kahit hindi siya nakaposisyon. May mga nagpahayag din ng paghanga, Lalo na mula sa gumagamit ng social media, sa kanilang pinupuntahan, ang kanyang mataas na rating sa survey, mga event na kasama Niya ang matataas na opisyal ng Bansa  at ang pagbati mismo ng Presidente ng Pilipinas sa kanyang kaarawan.

Read more...