30k katao, nag-rally bilang suporta sa peace plan ni Duterte

By Kabie Aenlle June 29, 2016 - 04:30 AM

duterte red supportersTinatayang hindi bababa sa 30,000 na mga magsasaka, lumad, at mga maka-kaliwang aktibista ang nag-martsa sa mga kalsada ng Davao City.

Ito ay para ipagbunyi ang mga pagsisikap ng papasok na administrasyong Duterte para maisakatuparan ang kapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Pagkatapos ng martsa, nagtipun-tipon sila sa isang forum kung saan nagpahatid ng mensahe sa isang video ang founder ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Maria Sison.

Ayon kay Sison, hangad niya ang tagumpay para kay incoming President Rodrigo Duterte lalo na sa mga isinusulong niya para sa kabutihan ng mga mamamayan.

Inihayag naman ni NDFP spokesperson Fidel Agcaoili na may tiwala sila kay Duterte dahil siya na mismo ang nagsabing isa siyang maka-kaliwa at isang socialist.

Umaasa aniya sila na sa pagkakataong ito, magbubunga na talaga ang mga magiging usaping pangkapayapaan.

Samantala, sinabi ng susunod ni Silvestre Bello III na malamang na ganapin ang pagbabalik ng peace negotiations sa July 16 hanggang 19 o July 23 hanggang 26 sa Norway.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.