Dalawang kompaniya sa Saudi Arabia interesado sa MIF ng Pilipinas

PCO PHOTO

Riyadh, Saudi Arabia – Dalawang financial institutions sa Saudi Arabia ang nagpahayag ng interes na maglagak sa Maharlika Investment Fund (MIF) ng Pilipinas.

Sa roundtable discussion nina Pangulong Marcos Jr. at mga negosyante sa Saudi Arabia, sinabi ni  Mulhan Albakree, executive general manager ng Public Investment Fund of the Kingdom of Saudi Arabia na interesado sila sa MIF. Interesado rin sa MIF si Bandar Al Hamali, ang chief executive officer ng  Jada, na isa sa pinakamalaking  investment companies, sa Saudi Arabia. Snabi naman ni Saudi Ministry of Investment Minister Khalid Al-Falih na handa ang mga investor na malaman ang lagay ng finances ng Pilpinas lalot ito ang may pinaka-exciting na market sa Association of Southeast Asian Nations.. “We want to connect you to key Saudi investors with impressive success stories to share and with the desire to continue building with international presence by investing with partners across the globe, the Philippines being a key one,” pahayag ni Al-Falih. “I am pleased that we are joined today by leaders and the sector from Saudi Arabia who are eager to learn more about the investment, opportunities and one of ASEAN’s most exciting markets and learn more about the newly-launched Maharlika Investment Fund that you have launched under your administration,” dagdag ng opisyal. Sinaluduhan din ni Al-Falih ang Pilipinas dahil sa pagpupursige nito na maging  cashless society sa taong 2030.

Read more...