Dinipensahan ni Senator Christopher “Bong” Go si Vice President Sara Duterte sa kontrobersiyal na confidential and intelligence funds.
Kasabay nito, nagpahayag si Go ng suporta kay Duterte bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at sa mga programa ng huli na mabigyan ng de-kalidad na edukasyon ang mga mag-aaral kasabay nang pagtiyak sa kanilang kaligtasan.
Aniya sa pamumuno ni Duterte sa Davao Ctty Peace and Order Council at pagiging miuembro ng Regional Peace and Order Council. naideklara ang kanilang lungsod maging ang Davao Region na “insurgency-free.”
Sa kasalukuyan, nagsisilbing vice-chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) si Duterte.
Nanawagan si Go ng pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat sa pagbibigay suporta sa administrasyong-Marcos Jr.
Bago ito at sa ikalawang pagkakataon, nagpaliwanag si Duterte sa mga isyu ukol sa paggamit ng pondo ng Office of the Vice President at DepEd, partikular na ang sa paggamit ng “secret funds.”
Aniya mas may malalaki at mas mahalagang isyu na kinahaharap ang bansa kaysa sa pamumulitika.