Pagkamatay ng mga drug suspects sa mga operasyon ng pulis, iniimbestigahan na

By Ruel Perez June 29, 2016 - 04:28 AM

gun1Iniimbestigahan na ng PNP IAS o Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP IAS) ang mga insidente ng pagkamatay ng maraming bilang ng mga suspects sa mga isinasagawang anti-illegal drugs operations.

Ayon kay IAS Spokesperson Atty. Shella Castillo, motu propio ang kanilang pag-iimbestiga lalo na kapag may namatay sa operations kahit walang nag-hain ng reklamo.

Paliwanag ni Castillo, tumatagal ng pinakamababa ay dalawang linggo ang kanilang imbestigasyon sa isang kaso depende sa kung gaano ito ka kumplikado.

Kaugnay nito, sumasailalim ngayon sa imbestigasyon ang muntikan nang enkwentro sa pagitan ng NCRPO Regional Anti-Illegal Drugs Group at ang Bulacan PNP

Nakapagsumite na umano ng kanilang mga salaysay ang magkabilang panig at sa ngayon ay isinasailalim na ang insidente sa pagsisiyasat upang malaman kung may lumabag sa PNP protocol.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.