Tondo fire victims inayudahan ng DSWD

By Chona Yu October 20, 2023 - 12:54 PM

DSWD NCR PHOTO

Umaabot sa 400  pamilya ang nakatanggap ng tulong pinansiyal sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito’y sa ilalim  ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD NCR kung saan ginanap amv pamamahagi nito sa Pritil Public Market sa Tondo, Manila. Ang mga nasabing benipisyaryo ay pawang mga biktima ng mga insidente ng sunog na nangyari sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod kung saan karamihan sa kanila ay may pwesto sa palengke. Bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng P10,000.00 na tulong pinansyal na maaari naman nilang magamit bilang puhunan sa pagtitinda ng palengke. Ang nasabing hakbang ng DSWD ay isa sa mga programa ng pamahalaan kung saan nais ni Pangulong  Marcos Jr. na masiguro na mabibigyan ng tulong amg lahat ng mga nangangailangan lalo na ang mga naapektuhang ng sunog at kalamidad.

TAGS: ayuda, dswd, sunog, Tondo, ayuda, dswd, sunog, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.