30 drug users sa Iloilo, sumuko sa mga pulis

drug addicts sumukoKusang lumapit sa pulisya ang tatlumpung kataong gumagamit ng iligal na droga sa Carles, Iloilo para isuko ang kanilang mga sarili.

Pawang mga residente sila ng Brgy. Asluman sa nasabing bayan, at sinamahan sila ng kanilang punong barangay na si Abelardo Montibon para sumuko kay Carles police Chief Supt. Terrence Paul Sta. Ana.

Ayon kay Sta. Ana, resulta ito ng mas pinaigting nilang operasyon laban sa iligal na droga na umabot na maging sa mga barangay na nasa isla.

Pinasalamatan naman niya ang mga sumuko, at papipirmahin aniya nila ang mga ito ng affidavit of undertaking sa presensya ng kanilang gma abogado upang matiyak na protektado ang kanilang mga karapatan.

Gayunman nilinaw ni Sta. Ana na ang pagsuko nila ay hindi nangangahulugang buburahin na nila ang kanilang mga records, at imo-monitor pa rin sila ng mga pulis upang matiyak na hindi na sila babalik sa dating bisyo.

Inaasahan naman ni Mayor Sigfred Betita na mas marami pang susuko sa iba pang mga barangay.

Read more...