Ph Maharlika Fund ibinida ni PBBM Jr. sa Saudi, $120-M investment pledges nasungkit

By Chona Yu October 20, 2023 - 07:41 AM

PCO PHOTO

Riyadh, Saudi Arabia – Personal na idiniga ni Pangulong Marcos Jr. sa mga negosyante sa Saudi Arabia ang Maharlika Investment Fund (MIF).

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa rountable meeting sa Saudi Business Leaders, sinabi nito na naka-disenyo ang MIF sa long-term economic development sa pamamagitan ng pagpapaigting sa investments sa high-impact sectors.

Umaasa si Pangulong Marcos na makikinabang ang Pilipinas sa Saudi investments, na  malaki ang matutunan ng Pilipinas sa Saudi Arabia dahil sa malawak na kaalaman at karanasan nito sa paghawak ng kahalintulad na pondo.

Una nang sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na tuloy ang implementasyon ng MIF at magiging operational na ito bago pa man matapos ang taong kasalukuyan.

Samantala, nasa $120 milyong halaga na kasunduan ang nakuha ni Pangulong Marcos Jr. sa pakikipagpulong sa mga business leaders dito.

Sa roundtable meeting, sinabi ni Pangulong Marcos na nasa 15,000 na Filipino ang makikinabang sa training at trabaho sa  ibat ibang uri ng propesyon pati na ang nasa construction industry.

Umaasa ang Pangulo na ang naturang pagpupulong ang magsisilbing platform para patatagin pa ang ugnayan ng Pilipinas at Saudi Arabia.

Tamang panahon aniya ang pagpupulong na ito lalot patuloy na tumataas ang growth trajectory ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ibinida pa niya na umabot na sa 7.6 percent ang gross domestic product ng Pilipinas noong nakaraang taon na maituturing na pinakamabilis na growth rate sa kasaysayan mula noong 1976.

Umabot na rin aniya sa US $ 9.2 bilyon ang foreign direct investments na nakuha Pilipinas.

 

TAGS: foreign, fund, Investment, Maharlika, saudi arabia, foreign, fund, Investment, Maharlika, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.