Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbili ng Philippine Coast Guard ng dalawang 19-seater airplanes.
Ayon kay PCG spokesman Rear Admiral Armand Balilo, pinasisimulan na ni Pangulong Marcos ang bidding process.
Gagamitin aniya ang dalawang eroplano sa pagpapalakas sa maritime domain awareness sa West Philippine Sea.
Una rito, sinabi ni Pangulong Marcos na nagpapagawa na ang PCG ng 40 piraso na 15-meter patrol vessels.
“This will compliment the vessels deployed in the West Philippine Sea and other areas of concern while on patrol operations,” pahayag ni Balilo.
MOST READ
LATEST STORIES