DILG ipinaalala sa BSKE candidates na umiwas sa vote-buying, vote selling
Pinagbilinan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga kandidato sa papalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) ang mga aksyon na maaring maikunsidera na pagbebenta o pagbili ng boto.
Ginawa ng DILG ang paalala sa pagsisimula ng campaign period bukas, Oktubre 19, para sa eleksyon sa Oktubre 30.
Ayon sa DILG, ang pagdadala ng pera, pay envelopes, bag, groceries, tokens o kahit anong bagay na may halaga kasama ang sample ballots ay mahigpit na ipinagbabawal.
Maging ang pangako ng pagbibigay ng anumang bagay sa isang tao kapalit ng boto ay paglabag din sa batas sa eleksyon.
Limitado rin lamang sa isa hanggang dalawang watchers para sa isang kandidato sa isang presinto.
Bawal din ang pagkakaroon ng blankong orihinal na balota sa araw ng botohan maliban sa mga pinahihintulutan ng Commission on Elections (Comelec).
Hinikayat din ng kagawaran ang mga kandidato na basahin ang “Official COMELEC Primer ng Committee on Kontra Bigay” ukol sa vote-buying at vote selling.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.