OSG handang sagutin ang pagkuwestiyon sa SC sa Maharlika Fund law
Nakahanda ang Office of the Solicitor General na magsumite ng komento sa petisyon na kumukuwestiyon sa Maharlika Investment Fund (MIF) law.
Ito ang sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra at aniya wala pa silang kopya ng kautusan ng Korte Suprema para sa komento ng Kongreso, Finance Sec. Benjamin Diokno at Executive Sec. Lucas Bersamin ukol sa petisyon.
Ipinasuspindi na ni Pangulong Marcos Jr., ang pagpapatupad ng batas para sana sa kauna-unahang sovereign fund ng bansa.
Ayon kay Guevarra bahala na ang mga naghain ng petisyon kung babawiin na nila ito bunsod na rin ng utos ng Punong Ehekutibo.
Dagdag pa niya kung itutuloy ng Korte Suprema ang pagdinig sa petisyon handa silang magsumite ng kanilang komento ukol sa legalidad ng MIF law.
Matatandaan na naghain ng petisyon sina Senate Minority Leader Koko Pimentel at ang mga dating kinatawan ng Bayan Muna party-list laban sa batas at hiniling nila na ipahinto ang pagpapatupad nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.