Nutrition education session ikinasa sa Manila

By Chona Yu October 18, 2023 - 02:47 PM

 

 

Muling nagsagawa ng nutrition education session ang Department of Social Welfare and Development sa Tondo, Maynila.

Ito ay sa ilalim ng Walang Gutom Food Stamp Program ng Marcos Administration.

Ayon kay DSWD Undersecretary Edu Punay, pagkatapos ng session, binibigyan ng pagkakataon ang mga benepisyaryo na makapamili sa Kadiwa Food store kung saan pwede nilang magamit ang kanilang electronic benefits transfer card.

Mahalaga ang nutrition session dahil dito itinuturo sa mga benepisyaryo kung paano masisigurong masustansya ang kanilang mga pagkain sa murang halaga.

Bawal din umabsent dito dahil pwedeng maapektuhan ang kanilang pagkakasama sa programa.

Sabi ni Punay, sa susunod na taon target na masimulan na ang full implementation ng programa at gawin na itong nationwide.

Ang food stamp program ay isa sa flagship program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na layong mabawasan ang bilang ng mga nagugutom na pamilyang Filipino.

Ayon kay Pangulong Marcos, layon nitong matuldukan ang problema sa kagutuman, maabot ang target na food security, mapaigting ang nutrisyon at matatag na agrikultura pagsapit ng 2030.

 

TAGS: education, news, Radyo Inquirer, education, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.