AFP magkakaroon ng tatlong bagong C-130 planes sa 2026
By Jan Escosio October 18, 2023 - 11:08 AM
Inanunsiyo ng Department of National Defense (DND) ang pagbili ng tatlong bagong C-130 Super Hercules transport plane para sa Philippine Air Force (PAF).
Kasunod ito nang pagpapalabas ng Notice to Proceed kahapon.
Sinabi ni Defense spokesman Arsenio Andolong na ang unang bagong C-130 aircraft ay dadating sa Hulyo 2026 tapos sa Oktubre ng nabanggit na taon at ang ikatlo ay sa Enero 2027.
Aniya ang pagbili ay bahagi ng 2nd Horizon ng AFP Modernization Program at nagsimula ito noon pang 2021.
Naniniwala si Andolong na malaki ang maitutulong ng mga bagong eroplano sa kakayahan ng PAF sa usapin ng “operational flexibility” at pagsasagawa ng “tactical missions.”
Dalawang C-130 transport plane na ang binili ng DND sa pamamagitan ng financing program ng US military.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.