Estrada naalarma sa huling harassment ng Chinese Navy sa Philippine Navy sa WPS
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Nagpahayag ng kanyang pagkabahala si Senator Jinggoy Estrada sa huling insidente sa West Philippine Sea (WPS) na kinasasangkutan ng People’s Liberation Army Navy ng China.Noong nakaraang Biyernes, tinangkang harangan ng Chinese navy ang BRP Benguet ng Philippine Navy sa resupply mission.Sinabi ni Estrada na pagpapatunay lamang ito ng kinahaharap na hamon at komplikasyon ng bansa sa rehiyon.Inihayag din ng senador ang kanyang suporta sa pagkondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa insidente.Aniya sa mga ginagawang hakbang ng China sa WPS, tila hinahamon ang Pilipinas na tumugon na taliwas sa nakasaad sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).Diin pa ni Estrada na ang mga ganitong gawain ng China ay hindi dapat palagpasin ng gobyerno..Dapat lang din aniya na patuloy na manindigan ang Pilipinas para sa ating karapatan, sobereniya at pag-protekta sa ating teritoryo.