Kazakhstan, pasok na sa UN Security Council

Russia's Foreign Minister Sergey Lavrov addresses the United Nations Security Council at the United Nations headquarters Wednesday, Sept. 30, 2015. (AP Photo/Kevin Hagen)
(AP Photo/Kevin Hagen)

Tinalo ng Kazakhstan ang Thailand sa ikalawang round ng botohan para mapabilang sa United Nations Security Council.

Makakasama ng Kazakhstan ang mga bansang Sweden, Ethiopia at Bolivia para sa dalawang taong termino na magsisimula sa January 1, 2017.

Sa 193 na miyembro ng UN General Assembly, 138 sa kanila ang bumoto para sa Kazakhstan.

Kailangan kasing makakuha ng two-thirds na boto upang maipanalo ang posisyon.

Nakatakda namang magkaroon ng ikatlong round ang botohan para naman sa huling natitirang posisyon sa konseho na paglalabanan ng Italy at Netherlands.

Read more...