Tatlong milyong mahihirap sa Metro Manila, bibigyan ng pera at bigas
Nasa tatlong milyong mahihirap na Filipino ang bibigyan ng pinansyal na ayuda at bigas ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, tig P1,000 na ayuda at 15 kilo na bigas ang ipamimigay ng kanilang hanay.
Sabi ni Romualdez, proyekto ito ng 33 kongresista sa Metro Manila at ng Department of Social Welfare and Development.
Gagawin ang unang bugso ng Malaya Rice Project sa Nobyembre 5.
Kabilang sa mga bibigyan ng ayuda ang mahihirap na pamilya, mga senior citizen, persons with disabilities o PWDs, single parents at mga katutubo.
Dapat sana ay sisimulan na ang proyekto ngayong Oktubre pero dahil sa “election ban” kaugnay sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), nagpasyang umpisahan na lamang ang proyekto sa susunod na buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.