Calvin Abueva, aminadong nasaktan nang hindi mapabilang sa Gilas Final 12

By Kabie Aenlle June 29, 2016 - 04:15 AM

calvin abuevaBagaman mahirap tanggapin, tiniyak naman ni Calvin Abueva na ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya para makapasok sa Gilas Pilipinas.

Matatandaang silang dalawa ni LA Tenorio ang hindi nakapasok sa final 12 ng head coach Tab Baldwin para sa Gilas Pilipinas na lalaban sa Olympic qualifying tournament.

Bago pa man niya aniya malaman ang balita, kinutuban na siya ngunit inisip niya na ginawa naman niya ang lahat.

Gayunman, bagaman ginawa niya na ang lahat ng makakaya, kulang pa rin aniya pala ito.

Aminado si Abueva na nasaktan talaga siya lalo’t inilatag na niya lahat ng kaniyang mga baraha at sa kabila ng mga sakit sa katawan, pagod at pagka-miss sa pamilya, hindi pa rin niya ito nakamit.

Aniya pa, masakit pero kailangang tanggapin. Ang maganda lang ani Abueva ay mas mapagtutuunan na niya ng pansin ang kaniyang PBA team ngayon.

TAGS: calvin abueva, Gilas Pilipinas final 12, calvin abueva, Gilas Pilipinas final 12

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.