Coco Martin nag-sorry sa BuCor dahil sa mga mapanirang eksena sa Batang Quiapo TV series
Muling pinuna ang ilang eksena sa teleserye na “Batang Quiapo” dahil sa nakakasira sa imahe ng Bureau of Corrections.
Nagtungo pa sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ang pangunahing karakter at director ng teleserye na si Coco Martin para personal na humingi ng paumahin kay BuCor Director Gen. Gregorio Pio Catapang.
Kasama din sa pulong sina ABS-CBN chief operating officer Cory Vidanes at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority chief operating officer Mark Lapid, na kabilang sa mga gumaganap sa teleserye kasama ang ama niya na si Sen. Lito Lapid.
Ipinaliwanag ni Martin na wala silang intensyon na siraan ang sinoman sa pagganap ng ilang karakter sa teleserye.
“I just hope that in the end and as always, good will triumph against evil. I look forward to seeing those characters who are playing villains in your series will be exposed nd persecuted or redeem themselves to show the public that crimes does not pay and the long arm of the law will caught up for those who disregarded it,” tugon naman ni Catapang.
Hiniling naman ni Lapid kay Catapang na bigyan sila ng hanggang Disyembre para maitama ang mga inirereklamong eksena sa loob ng “Corrections Agency.”
Ayon naman kay BuCor Deputy Director General for Administration Al Perreras ang kanilang mga opisyal at kawani na ang nagreklamo ng mga mapanirang eksena na nagiging repleksyon sa kawanihan at mga kawani.
Sumulat si Perreras sa bumubuo ng tele-serye noong Oktubre 9 at ipinaalam ang kanilang mga saloobin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.