Pinaninindigan ng Smartmatic na walang basehan ang mga kumakalat na alegasyon laban sa kanila sa social media kaugnay sa resulta ng bilangan ng mga boto sa ginanap na national at local elections noong nakaraang taon.
Base sa inilabas na pahayag ng Smartmatic, naniniwala sila na paninira ang motibo sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon.
“We confidently stand by the demonstrable 100% accuracy of the results of the 2022 elections in the same way that we remain confident in the untarnished reliability and integrity of our products and solutions,” diin ng Smartmatic.
Dagdag pa ng London-based electoral solution company; ” With this, we are confident that the Honorable Commission will dismiss the present petition for sheer lack of merit.”
Naninindigan din ang Smartmatic na walang pagkakaiba sa mga resulta ng bilangan ng boto sa presinto sa mga datos na tinanggap ng National Board of Canvassers at ng Transparency Server at hindi ito maitatanggi ng naghain ng petisyon.
Bukod dito, sinabi na rin ng Comelec na walang paglabag sa batas kung ilan sa “transmissions” ay nagmula sa private IP adress, na kabilang sa mga argumento na inilatag sa petisyon.
Dagdag pa ng kompaniya, ang lahat ng ginawa nila hakbang kaugnay sa isinagawang eleksyon ay ayon sa kontrata, bukod pa sa aprubado ng Comelec.
‘Since 2010, Smartmatic has been a trusted provider in the conduct of the Philippine elections. Smarrmatic has consistently qualified as a service provider for the automated elections and electronic transmission services,” diin pa ng Smartmatic,.