Abu Sayyaf gumagamit ng mga kabataan bilang bantay sa mga bihag

By Den Macaranas June 28, 2016 - 08:47 PM

SAMAL-Kidnapping
Inquirer file photo

Nagre-recruit ang mga Abu Sayyaf members ng mga kabataan at ginagawa nila ang mga ito bilang mga bantay sa kanilang mga bihag.

Sinabi ni incoming Peace adviser Jess Dureza na ikinuwento sa kanya ni Marites Flor kung paanong nagagamit ang mga kabataan bilang mga utusan di kaya’y runner ng bandidong grupo.

Ayon sa pahayag ni Flor, sinabi ni Dureza na pawang mga nasa edad 12 hanggang 15 anyos lamang ang mga nagbabantay sa kanila habang palipat lipat sila ng lugar sa bulubunduking bahagi ng lalawigan ng Sulu.

Bukod sa mga kabataan, kasabwat din umano ng Abu Sayyaf ang ilang mga komunidad sa lugar dahil mga residente doon pa ang nagbibigay sa kanilang ng proteksyon laban sa mga tumutugis na tauhan ng militar.

Si Flor ay pinalaya noong isang lingo ng mga Abu Sayyaf members sa Sulu.

Dalawa sa kanyang mga kasamang dinukot mula sa Samal Island Davao na pinugutan na.

Ito ay ang mga Canadian nationals na sina John Ridsdel at Robert Hall habang nananatili naman sa kanilang custody ang Norwegian na si Kjartan Sekkingstad.

TAGS: Abu Sayyaf, jess durez, maritess flor, Abu Sayyaf, jess durez, maritess flor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.