Online registration sa sasakyan at lisensya pinaigting ng LTO
Inatasan ni Land Transportation Office chief Assistant Secretary Vigor Mendoza ang lahat ng regional offices na tiyakin na maayos ang implementasyon ng online registration para sa pagpaparehistro ng mga sasakyan at pagkuha ng lisensya.
Ayon kay Mendoza, ito ay para maresolba ang matagal ng problema ng mga fixers.
“Ang aming approach ho na ‘yan ay magkaroon ng online system of registration both for vehicle registration and license application,” pahayag ni Mendoza.
“Ito’y ipapa-double time natin within the regions para mas mapalawak na ang mga motorista na hindi kailangang i-renew ang registration ng kanilang mga sasakyan ng face-to-face because our goal is to have all these transactions be done online,” dagdag ni Mendoza.
Sabi ni Mendoza, dapat na magaan na ang pagproseso ng pagpaparehistro at pagkuha ng lisensya.
“We can send the license via courier na lang po,” pahayag ni Mendoza.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.