Nanawagan si Vice President Sara Duterte ng honest, orderly at mapayapang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 30.
Tinipon ni Duterte ang mga kandidato sa barangay elections sa Davao City.
Binigyan ni Duterte ng paalala ng paalala ang mga kandidato na siguruhin na mangibabaw ang demokrasya sa eleksyon.
Sabi ni Duterte, makakamit ang honest, orderly at peaceful barangay elections sa pamamagitan ng tatlong bagay.
Una aniya ay huwag manira ng kalaban, pangalawa ay huwag gumamit ng dahas at pangatlo huwag mandaya.
Sabi ni Duterte, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga barangay officials dahil sila ang frontliners sa pagtugon sa mga problema sa Lipunan.
MOST READ
LATEST STORIES