Ginawa ni Villar ang pahayag matapos itaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level 4 sa Gaza Strip dahil sa tumitinding krisis. Nangangahulugan aniya ito na kailangan na ang mandatory evacuation para sa mga Filipino at umamin ang DFA na mahihirapan na silang pumasok sa lugar para tulungan ang ating mga kababayan. “Considering this pronouncement from the DFA that there is no way in and no way out, it should still be our utmost priority to heed the call for help of the Filipinos in Israel and the Gaza Strip. Let us exhaust all diplomatic means possible to have our resources be readily available for the affected Filipinos so that we could help them as soon as the situation permits. Huwag po nating pabayaan ang ating mga kababayan sa Israel at Gaza,” dagdag pa ni Villar.
Tatlong Filipino na ang nakumpirma na kabilang sa libo-libong nasawi sa higit isang linggong krisis.
READ NEXT
P20/kilo of rice is “doable” if govt subsidizes farmer inputs—SHARP EDGES by JAKE J. MADERAZO
MOST READ
LATEST STORIES