Senate probe sa “hacking” ng gov’t websites hiniling ni Hontiveros
Naghain ng panukala si Senator Risa Hontiveros para maimbestigahan sa Senado ang sunod-sunod na “hacking incidents” sa websites ng ilang ahensiya ng gobyerno.
Nakakabahala, ayon kay Hontiveros, ang mga insidente at aniya ang paglalantad sa mga sensitibo at personal na impormasyon na hawak ng mga ahensiya ay naglalagay sa panganib sa mga mamamayan.
Binanggit nito ang “data breaches” sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at sa Philippine Statistics Authority (PSA) mula noong nakaraang buwan hanggang ngayon Oktubre.
Nagbabala na rin ang National Privacy Commission ukol sa nalantad na impormasyon ng milyong-milyong Filipino sa insidente sa Philhealth website.
Kamakailan lamang ang website naman ng Kamara ang inatake nang maglagay ng “troll face meme” sa homepage at binago ang iskedyul ng mga komite.
Bukas pangungunahan na ni Sen. Mark Villar ang pagdinig sa Philhealth website hacking sa pamamagitan ng Committee on Science and Technology.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.