Pangulong Marcos nakiramay sa naulilang pamilya ng ikatlong Pinoy na nasawi sa Israel

By Chona Yu October 16, 2023 - 03:34 PM

 

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa naulilang pamilya ni Loreta “Lorie” Alacre, ang ikatlong Filipino na nasawi dahil sa panggugulo ng grupong Hamas sa Israel.

Sa tawag sa telepno ni Pangulong Marcos sa kapatid na babae ni Alacre, sinabi nito na minamadali na ng pamahalaan na maiuwi ang mga labi ng biktima oras na buksan ang humanitarian corridor.

Una nang naiulat na nawawala ang 49-anyos na caregiver nang umatake ang Hamas sa Gaza strip.

“May assistance para sa pamilya, pero lahat ng kailangang gawin para maiuwi na (ang iyong kapatid) ay gagawin na muna namin. Iyon lamang, hinihintay muna natin kung ano ‘yung magiging sitwasyon doon sa Israel dahil talagang napakagulo masyado ngayon at sarado lahat,” pahayag ni Pangulong Marcos.“Tulungan ka namin. Basta’t nandito ang gobyerno. Lahat ng mga embassy natin naka-alert naman, alam nila ang sitwasyon mo … lahat nga gusto nang umuwi kaya ‘yun na muna ang inayos namin at basta’t mabigyan tayo ng pagkakataon ay iuuwi na namin silang lahat,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Sabi ni Pangulong Marcos, nahihintay na lamang ngayon ng feedback ang ambassador ng Pilipinas sa Egypt para sa posibleng pagbubukas ng humanitarian corridor upang masimulan ang repatriation.

 

TAGS: condolences, Ferdinand Marcos Jr., Hamas, israel, news, Radyo Inquirer, condolences, Ferdinand Marcos Jr., Hamas, israel, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.