Sinalpok na bangka sa Panatag Shoal nabatak na ng PCG
Nabatak na patungo sa Subic, Zambales ang bangka na binangga ng isang oil tanker malapit sa Panatag Shoal sa West Philippine Sea (WPS).
Sinabi ni Vice Admiral Joseph Coyme, ng Task Force Kaligtasan sa Karagatan, lumubog ang F/B Dearyn sa distansiyang 180 nautical miles kanluran ng Agno, Pangasinan.
Tatlong mangingisdang Filipino ang nasawi sa insidente na naganap noong Oktubre 2.
Sinuri na ng Maritime Casualty Investigation Service (MCIS) ang bangka, na gagamitin na ebidensiya sa isinasagawang imbestigasyon ng PCG.
Nakaligtas naman ang 11 pang mangingisda na sakay ng naturang bangka.
Una na rin inihayag ng PCG na walang sasakyang pandagat na nakalapit sa FB Dearyn maliban sa MV Pacific Anna, isang oil tanker na nakarehistro sa Marshall Islands.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.