Dagdag, bawas sa presyo ng mga produktong-petrolyo

By Jan Escosio October 16, 2023 - 02:33 PM

INQUIRER PHIOTO

Magkaiba ang magiging paggalaw sa presyo ng krudo at gasolina bukas, Oktubre 17.

Base sa mga anunsiyo ng mga kompaniya ng langis, tataas ng P0.55 ang presyo ng kada litro ng gasolina, samantalang bababa ng P0.95 ang halaga ng krudo, gayunding ang kerosene.

Noong nakaraang linggo, makalipas ang sunod-sunod na dagdag sa presyo, nakatikim ang mga motorista ng “bigtime price rollback.”

Natapyasan ng P3.05 ang halaga ng kada litro ng gasolina, P3 sa kerosene at P2.45 naman sa diesel.

Ito ay dahil sa inaasahang pagbawas sa pangangailangan sa langis sa merkado.

TAGS: oil price, price hike, rollback, oil price, price hike, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.