Aircraft operations sa NAIA babawasan

naia-tarmac
Inquirer file photo

Pinag-aaralan ni incoming Transportation Sec. Arthur Tugade na ipagbawal na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga air charter, air cargo, aviation training, aircraft maintenance, and corporate flight operations.

Ipinaliwanag ni Tugade na tanging mga passenger aircrafts na lamang ang papayagan sa NAIA na garatisadong magpapaluwag sa air traffic congestion ng hanggang sa 22-percent.

Ang mga hindi pampasaherong eroplano ay ida-divert ang kanilang operasyon sa Sangley Point sa Cavite o kaya sa sa Basa Airbase sa Lipa City sa Batangas.

Idinagdag pa ng opisyal na anim na mga dagdag na paliparan ang balak itayo sa ilalim ng Duterte administration para mabigyang ginhawa ang mga pasahero sa NAIA.

Sa unang 100 days ng papasok na pamahalaan, sinabi ni Tugade na mag-iisyu siya ng notice sa general aviation operators para mabigyan sila ng sapat na panahon na ilipat ang kanilang operasyon.

Idinagdag pa ni Tugade na malaki ang maitutulong ng special powers sa kanilang mga gagawing reporma para mas maging mabilis ang pagsasa-ayos ng aviation operation sa bansa.

Read more...