MANIBELA bigong maparalisa ang pasada sa Metro Manila

By Jan Escosio October 16, 2023 - 02:22 PM

INQUIRER PHOTO

Inihayag ng  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nabigo ang Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers (MANIBELA) na maparalisa ang pampublikong transportasyon sa Metro Manila ngayon araw.

“Based on our monitoring as of 11 am, there was no major disruption of public transportation in Metro Manila,” sabi ni MMDA acting Chairman  Don Artes.

Dagdag pa niya: “Kung ang purpose ng strike ay i-paralyze ang public transportation, nabigo po sila. Pero kung ang purpose nila ay magpapansin, siguro nagtagumpay sila sa ganoong aspeto. Nabigyan siya ng airtime, na-interview siya.”

Ayon pa sa opisyal ang mga napa-ulat na pagtitipon ng mga pasahero sa ilang lugar ay pangkaraniwan na lamang tuwing “Monday rush hour.”

Kasabay nito, pinabulaanan ni Artes ang sinabi ni MANIBELA chairman Mar Valbuena na natakot ang gobyerno sa kanilang banta ng tigil-pasada kayat napilitan ang mga lokal na pamahalaan na suspindihin ang face-to-face classes.

“Ang atin pong pamahalaan ay hindi puwedeng i-hostage ng banta ng economic sabotage at inconvenience ng commuting public lalong-lalo na kung ang dine-demand mo ay mali. Tandaan po natin, ang jeepney modernization ay inuutos ng batas. In fact, more than 70 percent na ang compliant diyan,” sabi pa ni Artes.

Humingi din ng pang-unawa ang opisyal sa hindi pagsuspindi sa number-coding scheme sa katuwiran na ayaw nilang maapektuhan ang daloy ng trapiko,

Nagtipon sa UP-Diliman ang caravan ng grupo ng MANIBELA bago huminto sa tapat ng tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa East Avenue na nagdulot ng matinding trapiko.

 

 

 

 

TAGS: mmda, tigil pasada, Transport group, mmda, tigil pasada, Transport group

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.