Año, bagong Army Chief

Eduardo-Año
Inquirer file photo

Si Maj. Gen. Eduardo Año ang hinirang ni Pangulong Noynoy Aquino bilang bagong pinuno ng Philippine Army (PA).

Papalitan ni Año si Lt. Gen. Hernando Iriberri na nauna nang itinalaga bilang Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff.

Pinangunahan ng Punong Ehekutibo ang change of command na isinagawa sa
Philippine Army Wellness Center sa Fort Bonifacio sa Taguig City ngayong Miyerkules ng umaga.

Gaya ni Iriberri, si Año ay miyembro rin ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1983. Nagsilbi si Año bilang pinuno ng 10th Infantry Division na nanguna sa isang operasyon na ikinamatay ng commander ng New People’s Army na si Leoncio Pitao alyas Kumander Parago sa engkwentro noong June 28.

Si Año rin ang pinuno ng Intelligence Service ng AFP nang maaresto ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon na kapwa lider ng Communist Party of the Philippines./ Alvin Barcelona

Read more...