P200,000 na ayuda sa mga nasawing Pinoy sa Israel, inihahanda na

By Chona Yu October 16, 2023 - 01:59 PM

 

 

Bibigyan ng tig-P200,000 na ayuda ng Overseas Workers Welfare Administration ang pamilya ng tatlong Filipino na nasawi sa gulo sa Israel.

Ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office, ipinahahanda na ni Pangulong Ferinand “Bongbong” Marcos Jr. ang naturang ayuda.

Bukod dito, sinabi ng PCO na na magbibigay din ang Department of Migrant Workers ng  tig-P50,000 na ayuda.

Sasagutin na rin ng OWWA at DMW ang wake at burial assistance na aabot sa P20,000 pati na ang repatriation at transportation costs ng mga bangkay mula airport hanggang sa kanilang mga tahanan.

Inatasan na rin ni Pangulong Marcos ang DMW, OWWA at ang Department of Social Welfare and Development na bigyan ng educational assistance ang anak ng mga nasawi pati na ang livelihood assistance.

Pinabibigyan din ni Pangulong Marcos sa Department of Health ng medical ay psychological support ang mga naulilang pamilya.

 

TAGS: ayuda, DMW, Ferdinand Marcos Jr., israel, news, ofw, OWWA, Radyo Inquirer, ayuda, DMW, Ferdinand Marcos Jr., israel, news, ofw, OWWA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.