Hindi nabayarang sweldo ng 10,000 OFW sa Saudi Arabia, uungkatin ni Pangulong Marcos

 

Tatalakayin ni Pangulong Fedinand “Bongbong” Marcos Jr. sa hari ng Saudi Arabia ang hindi nabayarang sweldo ng 10,000 overseas Filipino workers.

Sa pre-departure briefing sa Malakanyang, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu na kasama ito sa agenda ni Pangulong Marcos.

Taong 2010 nang hindi na bayaran ng mga employer ang sweldo ng mga OFW.

Nasa mahigit P29 bilyon ang bayarin ng mge emoloyer sa mga OFW.

Una nang sinabi ng prinsipe ng Saudi Arabia noong Mayo 2023 na babayaran na ng kanilang hanay ang sweldo ng mga OFW.

Read more...