Election campaign fund apektado ng inflation, budget ng kanidato dagdagan – Lapid
Naghain ng panukala si Senator Lito Lapid na ang layon ay tumaas ang limitasyon sa paggasta ng mga kandidato sa pangangampaniya.
Katuwiran ni Lapid sa kanyang Senate Bill No. 2460, dahil sa mataas na inflation kailangan ay taasan ang maaring gastusin ng kandidato sa kanyang kandidatura.
Paliwanag ng senador, bibigyang kapangyarihan ang Commission on Election (Comelec) na baguhin ang limitasyon sa “campdaign expenses” depende sa pabago-bagong kondisyon pang-ekonomiya sa bansa.
Nais ni Lapid sa kanyang panukala na maamyendahan ang RA 7166 o ang Synchronized National and Local Elections and for Electoral Reforms Act of 1991, kung saan may nakatakdang gastusin ang mga kandidato sa mga botante.
“Mahigit tatlong dekada na po mula nang isabatas ang RA No. 7166 at ang P3 hanggang p10 limitasyon sa campaign expenses kada botante ay wala ng halaga ngayon,” sabi pa ng senador.
Nais aniya lamang na maging makatotohanan ang budget sa kampaniya base sa inflation, ang halaga ng mga produkto at serbisyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.