(PPA photo)
Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga kooperatiba ng mga magsasaka sa bansa na magsama-sama at bumuo ng asosasyon.
Ito ay para mapalakas ang kanilang grupo.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa National Cooperative Day sa Malakanyang, sinabi nito na sa ganitong paraan, mapalalawak ang pagproseso sa tinatanimang lupa.
Sa ganitong paraan, sinabi ni Pangulong Marcos na mapadadali rin ang pagbibigay ng tulong ng pamahalaan.
Kabilang aniya sa suportang ipagkakaloob ng gobyerno ay malalaking makinarya para sa processing, milling hanggang marketing para makatipid sa cost of production, gumanda at dumami ang produksyon, at lumaki ang kita ng mga kooperatiba at mga magsasaka.
Sabi ni Pangulong Marcos, kailangan na magaling ang management o pangangasiwa ng mga magsasaka sa kooperatiba para mapaganda ang business plan.
Kapag nagawa aniya ang lahat ng ito, tiyak na papatok at kikita nang malaki ang kooperatiba na pwedeng makapag expand pa ng negosyo.