“Taylor Swift: The Eras Tour” concert film, Number 1 sa takilya

 

Umabot na sa $97 milyon ang kita ng “Taylor Swift: The Eras Tour” sa North America.

Ayon sa AMC Theaters, Number 1 na sa box office ang palabas ni Swift sa mga sinehan.

Nagmistulang concert venues ang mga movie theaters sa pagbubukas ng concert film ni Swift.

Pinataob ni Swift ang record na “Justin Bieber: Never Say Never” na umabot lamang sa $73 milyon noong 2011.

Hindi pa naman nabubura ang record na “Joker” na umabot sa $96.2 milyon noong 2019.

Nabatid na ang concert film ni Swift ay compilation ng summer shows sa Southern California’s SoFi Stadium.

 

Read more...