Tuloy ang pasada ng karamihan sa mga pampasaherong sasakyan sa lungsod ng Manila.
Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, bagamat hindi ramdam ang tigil pasada, tuloy ang libreng sakay ng lokal na pamahalaan.
Sabi ni Lacuna, may 20 e-trikes, dalawang mobile transport 3 SUV, dalawang transporters at 16 patrol vehicles ng Manila Police District ang nag-aalok ng libreng sakay.
Binabantayan ngayon ng lokal na pamahalaan ang mga ruta San Juan-Divisoriaa, Blumentrit-Novaliches, Nagtahan-Paco, Divisoria-Cubao, Morayta-Divisoria at Balic-Balic-Quiapo.
Babantayan ang mga nabanggit na ruta base na rin sa abiso ng grupong Manibela na haharangin nila ang mga motorista na patuloy na mamasada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.