Bentahan ng bigas sa Negros, bumaba sa P25 kada kilo

 

Nasa P25 kada kilo lamang ang bentahan ng bigas sa Negros Occidental.

Ayon kay Pedro Limpangog, presidente ng Federation of Irrigators Association of Central Negros-Bago River Irrigation System (FIACN-BRIS), nakatutuwa na mura ang presyo ng bigas sa Negros.

Nabatid na inilaan ng mga magsasaka sa Negros ang 10 porsyento ng kanilang total production sa mga taga Negros para sa mga vulnerable sectors gaya ng senior citizens, indigents, at persons with disabilities (PWDs). Maaring bumili ang bawat consumer ng hanggang tig -imang kilo ng bigas.

Ibinenta ang bigas sa pagbubukas ng “Bigas ng Bayan” sa  Food Terminal Market sa Bacolod City.

Pinangunahan ng Provincial Government of Negros Occidental ang pagbubukas ng “Bigas ng Bayan” kung saan una nang kinuhang katuwang ang mga magsasaka para sa naturang programa.

Sinabi naman ni National Irrigation Administrator Engineer Eduardo Guillen na isang hakbang lamang ito para matupad ang pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkaroon ng sapat at abot kayang pagkain ang bawat pamilyang Filipino.

Patuloy aniyang magsusumikap ang NIA na mabigyan ng maayos na irigasyon ang mga magsasaka para mapalago pa ang ani sa mga produktong pang-agrikultura.

 

Read more...