Incoming PNP chief nangakong ibabalik ang respeto sa mga pulis

By Ruel Perez June 28, 2016 - 07:38 PM

duterte_bato.jpg-620x310
Inquirer file photo

Gagawin umano ni incoming Chief PNP Ronald “Bato” dela Rosa ang lahat sa ilalim ng kanyang panunungkulan para maibalik ang respeto ng taumbayan sa mga pulis.

Paliwanag ni de la Rosa, isang beses lang umano siya magiging Chief PNP at hindi na ito mauulit kaya gagawin niya ang lahat ng dapat gawin para mabalik ang respeto ng taumbayan sa kanilang hanay.

Kaugnay nito, iginiit ni dela Rosa na sa kanyang pag-upo bilang pinuno ng PNP ay magtatrabaho ang kanilang buong pwersa kontra kriminalidad at illegal drugs.

Ibig sabihin, ibubuhos lahat ni Bato ang kanilang pwersa sa anti-criminality campaign at ipagbabawal ang pagtambay ng mga pulis sa kani-kanilang mga opisina.

Iginiit ni dela Rosa na siguradong tatamaan at mapaparusahan lahat ng mga tiwali o corrupt na mga miembro ng PNP sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

TAGS: bato, dela rosa, PNP, bato, dela rosa, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.