Gatchalian hiniling sa ERC ang agad na pag-apruba sa power supply agreements
Hinikayat ni Senator Sherwin Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) na agad aprubahan ang power supply agreements (PSAs) sa pagitan ng generation companies at distribution utilities para matiyak ang sapat na suplay ng murang kuryente.
Ginawa ni Gatchalian ang panawagan kasunod nang pagpapalabas ng ERC ng competitive selection process (CSP) guidelines para sa mekanismo sa pagbili ng DUs ng suplay myla sa generation companies sa pamamagitan ng competitive bidding na itinakda ng Department of Energy (DOE).
“We’re hoping that strict implementation of the bidding guidelines would result in the timely approval by the ERC of PSAs and help DUs to procure supply at the least cost for the benefit of consumers,” ani Gatchalian.
Ibinahagi niya na mula 2003 hanggang ngayon taon, nakabinbing 527 PSAs sa ERC at ngayon taon ay nakapagtala na ng 16.
“Inaasahan natin na mas magiging maayos ang kalagayan ng suplay para sa mga kooperatiba at mga konsyumer,” dagdag pa ng senador.
Sinabi din ni Gatchalian na dapat na ipatupad na ng ERC ang mga probisyon sa bagong power bidding guidelines na inilabas ng ahensiya para matiyak ang pagtalima ng DUs, gayundin ang aktibong partisipasyon ng consumer groups.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.